May 07, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Kaila Estrada, nilantad na si Daniel Padilla sa publiko

Kaila Estrada, nilantad na si Daniel Padilla sa publiko
Photo Courtesy: Kaila Estrada (IG)

Tila pasimpleng kinumpirma ni Kapamilya actress ang relasyon nila ng dating “Incognito” co-star niyang si Daniel Padilla sa mismong kaarawan nito.

Sa isang Instagram post ni Kaila noong Martes, Abril 28, ibinahagi niya ang larawan nila ni Daniel habang bahagyang nakayakap sa isa’t isa.

Nakalapat ang “EVERYTHING HALLELUJAH" ni Justin Bieber bilang background music sa nasabing IG story.

Matatandaang kamakailan lang ay tinawag ng half-brother ni Kaila na si Luigi Muhlach bilang bayaw si Daniel matapos siya nitong batiin sa kaniyang 39th birthday celebration.

Maki-Balita: Luigi Muhlach, tinawag na bayaw si Daniel Padilla

Relasyon at Hiwalayan

Daniel Padilla may TikTok na, pero fina-follow lang si Kaila Estrada!

Matagal nang umuugong na may namamagitan na kina Daniel at Kaila simula nang magkasama sila sa action series na “Incognito.”

Sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Setyembre 2025, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz na mag-jowa na umano ang dalawa.

Maki-Balita: Daniel Padilla, Kaila Estrada mag-jowa na, ispluk ni Ogie Diaz  

Ngunit nang tanungin si Daniel ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe sa isang panayam, hindi niya itinanggi o pinabulaanan ang nasabing tsika.

Sabi lang niya, “Huwag n’yo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay. And again, ayaw ko siyang maging showbiz, e. Well 'di pa rin naman maiiwasan 'di ba pero may choice pa rin naman ako, 'di ba?”

Maki-Balita: Ayaw magpaka-showbiz! Daniel Padilla, naurirat kung may jowa na