MULA mismo kay Mayor Lani Mercado ay ibinigay niya ang ilang detalye sa pagpapaksal ng anak niyang si Vice-Gov. Jolo Revilla sa isang Angel Aleta. Siyempre masaya raw siyang ibabahagi sa lahat ang gaganaping kasalan sa abroad.

Angel at Jolo

Bilang isang ina ano ang feeling niya at magpapakasal na ang anak niyang si Jolo?

‘“Well, this will be the first male sa pamilya naming na magpapakasal kasi ‘yung una si Ina na binigyan na niya kami ng tatlong apo na ako. Well, kung ano ang pakiramdam?

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“This is something different kasi sa labas ng bansa, sabi ko nga napaka-hectic and something kakaiba dahil this is also the first time na magbabakasyon kami nang buo with Bong’s sisters and brothers except for Andeng kasi she will be here for Daddy pero this will be the first time na buong pamilya andun kami for a vacation na rin,” sey pa ni Mayor Lani .

Nabanggit na rin ng mayora ng Bacoor na sila raw mismo ni Jolo at ang mapangasawa nito ang nagdesisyon na doon sa abroad magpapaksal.

“Sabi nga ni Kuya Marlon mukhang ginagaya raw ni Jolo ang Papa niya kasi yung unang kasal namin ‘di ba ginawa sa States pero that was so simple and solemn pero ito they opted to do it sa Pelican Hills at isa itong garden wedding,” lahad pa ni Mayor Lani.

Dagdag pa rin naman ni Mayora na sa edad na rin naman daw si Jolo. Kumbaga, sa edad nitong 31 years old ay wala na raw naming problema sa pagpapakasal ng anak niya, huh!

“I do believe na ito na ang tamang panahon na pagpapakasal niya. Nagpapalam na rin naman siya sa amin. Kumbaga, sa pamilya namin, alam na namin na ikakasal niya, nagpahiwatig siya sa amin na ikakasal niya, I think that was his bday , he announced it during his bday this year na ikakasal niya,”sey pa niya.

Paano ang pormal na paalam ni Jolo?

“That happen a month before his bday. Sabi ko lang sa kanya kung sigurado na ba siya, alam naman natin ang kanyang lovelife open book naman yun pero basta masaya siya. He went naman with the right process of getting married.

“The family of Angel is from Mindoro Oriental actually hindi pa kami nagpupunta don at nagkikita na lang kami ng mga kapatid niya dito,”kuwento pa rin ni Lani sa kanyang mayor”s office sa Bacoor.

Sinu sinu ang mga kasama sa entourage ng kasalang Jolo at Angel?

“Naku ang dami. We fix the guest list just yesterday, ang alam kong pupunta sina Mayor Inday Sarah Duterte, Cong. Martin Romualdez, Tita Rowena, Tita Gigi at buong pamilya.

“ Majority pulitiko. He is active sa public service niya. Hindi makarating si Pres. Duterte. Wala siyang channel 7 o channel 2, ninong si Sen. Jinggoy at Gov. Remulla. Sen Manny Pacquiao is part of the entourage pero ang proxy niya si Arnold Vegafria,”saad pa rin ng kausap naming.

Ano ang nakita niya sa best quality ni Angel at sa mga na link kay Jolo ay ang dating beauty queen ang napili ng anak niya?

“Siguro sa pagkakilala ko kay Angel, kahit siya, eh, isang beauty Queen, eh, simple siyang tao, she is very supportive kay Jolo at nakikita ko na at peace si jolo sa kanya.

“Napaka-supportive niya kay Jolo kasi if she opted to be a career woman malamang hindi niya pakasalan si Jolo this year she vied for Binibining Pilipinas this year. Kasi she is being groom to follow the foostep of Catriona at siya ang talagang ipapanlaban sa Binibini pero mas pinili niya ang pagpapakasal kay Jolo, “kuwento pa rin ni Mayor Lani.

Kagaya mo rin Mayor Lani ‘di ba? Mas pinili mo si Senator Bong kaysa career mo?

“Parang ganun nga. Mabait na bata siya sabi ko nga siya, eh siya na ang magiging proxy ko pag hindi ako pupuwede kasi yung ibang mga anak ko, eh, bisi na,” napatawang pagtatapos pa rin ng Mayora ng Bacoor na si Mayor Lani Mercado-Revilla.

-Jimi C. Escala