KASALUKUYANG nasa Japan si young kontrabida actress Thea Tolentino. Nag-iisa lamang siya sa natuloy ding trip na muntik nang ma-postpone. Pinayagan naman siyang magbakasyon ng ilang araw dahil matagal na niya itong ni-request sa production ng kanilang GMA Afternoon Prime na Madrasta.

Thea

Kasama niya sa serye sina Arra San Agustin na siyang madrasta at ang husband niyang niloko at ninakawan niya ng kabuhayan nila ay si Juancho Trivino. Iniwan ang asawa at sumama sa ibang lalaki, pero nang malamang siya naman ang niloloko ng lalaking sinamahan, pinatay niya ito at bumalik with a vengeance kina Juancho at Arra.

“Kaya pahinga po muna ako sa pananampal at pagkagalit sa mga kagagahan ko,” biro ni Thea nang huli namin siyang makausap sa set ng serye. “Nakaka-stress din po ang mga ginagawa ko, kahit acting lamang, salamat sa mga mahuhusay kong kaeksena sa serye at kay direk Monty Parungao.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Post ni Thea nang nasa Mt. Fuji siya: “Mt. Fuji Tour Day. I got a bit emotional when I saw Fuji-san. We were lucky she showed up because it was supposed to rain. I met Eva during lunch time. She’s also traveling alone so I asked her if I could sit beside her when we go back to the bus and we became friends instantly. Everyday just keeps getting better and better. I feel so happyyy! My heart is full right now.”

Pagbalik ni Thea sa “Madrasta,” magsisimula na siyang maghiganti kina Juancho at Arra. Kaabang-abang ang ipinakita nang eksenang kakasalin sina Juancho at Arra sa itaas ng bundok at dumating si Thea na sakay ng helicopter in a red long gown at a-attend daw siya ng wedding.

Ang “Madrasta” ay napapanood araw-araw, pagkatapos ng Prima Donnas.

-NORA V. CALDERON