YES, kapwa Kapuso stars ni Alden Richards ay nahumaling sa kanyang biceps sa true lang.
Nagulantang ang social media sa ginawang pag-flex ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa kaniyang toned biceps sa isang Instagram post noong Biyernes.
Bukod sa mga fans ng Kapuso star, hindi rin napigilang mag-react ng mga kapwa niya celebrities sa comments section.
Ilan sa napa-wow sa photo niya ay sina Megan Young, Bea Binene, Rodjun Cruz, Valeen Montenegro at Angelika Dela Cruz.
Si Lovi Poe ay napa-comment pa nga ng, “May hold-up na naganap!”
Grabe naman kasi ang disiplina ni Alden sa pag-aalaga ng kaniyang katawan. Kahit na busy sa taping at maraming endorsements, hindi nakakalimutan ng The Gift lead actor na mag-work out.
Saludo talaga kami sayo, Alden Richards! Ikaw na!
-MERCY LEJARDE