BALIK teatro si JC Santos kung saan una siyang nakilala bago nagkaroon ng offer sa mga teleserye at pelikula.

JC SANTOS

Nagtapos si JC ng Theater Arts sa UP Diliman at una niyang trabaho ay sa Hongkong Disneyland at Universal Studios Singapore bilang singer/dancer. Nagpunta rin ng New York City, USA para mag-aral ng musical theater.

Kaya kahit maraming pelikula at seryeng nagawa na si JC ay hinding-hindi mawawala sa puso niya ang teatro kaya naman nu’ng ialok sa kanya ang Ilocano hero ethno-epic musical na Lam-ang ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa ginanap na mediacon ng Lam-ang sa Tribu Babaylan kamakailan ay inamin ni JC na nag-audition talaga siya at ng siya ang napili ay napatalon siya sa sobrang tuwa dahil gustung-gusto niya ang role.

“Nag-audition ako, sabi ko sa kanila na ‘huwag nang papasukin pa ‘yung susunod kung sinuman ‘yung nag-o-audition.’ Talagang kini-claim ko na nu’ng time na ‘yun na ako. At saka gagawin ko talaga ang best ko, sabi ko gusto kong makuha talaga at ‘yung song na ibinigay sa akin may choreography na, ganu’n ko talaga ka-gustong gawin.

“At siyempre, first musical na mangyayari sa buhay ko na kasi dati kasama lang ako, ngayon ako yung bida, kaya nakaka-pressure at exciting at saka nasa magandang team ako kaya I’m trusting these people great actors, I’m in good hands, amazing, generous at hardworking actors. 18 (years old) palang ako, Tanghalang Pilipino, nasa Dulaang UP palang ako, nanonood na ako, actually 16 palang ako dinadalhan na ako ni sir Tony Mabesa (SLN) ng mga souvenir programs galing Tanghalang Pilipino.

“I remember there are my superstars, sina Noni Buencamino, Shamaine (Buencamino), Mario O Hara, sina Paulo, si Miss Peewee (O Hara),” balik-tanaw ni JC.

At dahil sa kinalakihan niyang ito ay gusto niyang mag-perform sa CCP (Cultural Center of the Philippines).

“Gusto ko sa Little Theater, gusto kong makasama ‘yung mga actor, sobrang salamat sarap (pakiramdam), everytime na nakakasama ko sila sa rehearsals ang dami-dami kong natutunan. Hindi lang Tanghalang Pilipino ang nandito, ah. Iba’t ibang theater company galing ‘yan. So, lahat ng mga proseso nila nakikita ko at nakakakuwentuhan ko sila, ang dami kong biglang natutunan. Everytime palang nagte-theater ka, always back to zero. And it’s a great feeling, yes I’m back!” kinikilig na kuwento ng aktor.

Inamin din ni JC na nu’ng nag-audition siya ay kinokorek siya dahil nawala na ‘yung pagbibigkas niya ng consonants.

“Nawala ‘yung disiplina ko sa teatro,” pag-amin ng binata.

Saan unang narinig ni JC si Lam-ang at ngayong part na siya ng musical show ano ang realization ng aktor.

“Nakalimutan ko na ito nu’ng high school actually. Ngayon ko lang talaga narinig ang kuwento ni Lam-ang, first time kong maririnig. Myth pala talaga na mayroon pala tayong ganitong epic.

“Ang maganda sa interpretation dito, may freedom kami to make him human. So, dito (show), ipapakita namin ang human side aside the ideal mystical side ni Lam-ang. Ipapakita namin kung ano ‘yung flaw niya as hero, sino siya as a person, sino siya bilang Pilipino at tao. Ngayon ko lang naiintindihan na nangyayari siya lagi, kung baga familiar ang kuwento sa Pilipinas,”saad ng aktor.

Ang Lam-ang ay mapapanood sa CCP Little Theater simula Disyembre 6-15 mula sa new book ni Eljay Castro Deldoc; Lyrics and music Jen Darlene Torres; direction ni Fitz Edward Torres Bitana; direction and set design ni Marco Viana; musical direction and sound designs TJ Ramos; Choreography JM Cabiling; costume design Bonsai Cielo at lighting design Meliton Roxas, Jr.

Kasama rin sa Lam-ang ethno-epic musical sina Anna Luna (Kannoyan); Tex Ordonez-de Leon (Baglan); Yves Bagadiong (Tangguod); Lance Reblando (Taraok); Jonathan Tadioan (Tandang Guibuan); Alvin Maghanoy (Batang Lam-ang); Hazel Maranan (Namongan); Remus Villanueva (Lokan); Raflesia Bravo (Saridandan); Joshua Cabiladas (Gumakas); Paw Castillo (Sumarang); Karenina Ng (Unnayan) at ensembles sina Francis Gatmaytan, Rapah Manalo, VJ Cortel, Gabo Tolentino, Gry Gimena, Miah Canton, Alys Serdenia. Tanghalang Pilipino Actors Company – JV Ibesate, Lhorvie Nuevo at Antonette Go.

-REGGEE BONOAN