May 22, 2026

Home SHOWBIZ

Rica Peralejo sa ‘di pagkandidato ni Leni Robredo sa national position: ‘Sobrang saya ko!’

Rica Peralejo sa ‘di pagkandidato ni Leni Robredo sa national position: ‘Sobrang saya ko!’
Photo Courtesy: Rica Peralejo, Leni Robredo (FB)

Nagbigay ng reaksiyon ang aktres na si Rica Peralejo matapos ianunsiyo ni Naga City Mayor Leni Robredo na hindi na nito binabalak pang tumakbo sa pambansang posisyon sa 2028.

Maki-Balita: Final na! Leni Robredo, ‘di tatakbo sa national position sa 2028

Sa Thread post ni Rica kamakailan, sinabi niyang sobrang saya raw niyang marinig ang naturang desisyon ni Leni.

“Sobrang saya kong madinig na hindi SYA tatakbo. This country doesn’t deserve her and this country won’t believe her anyway — so be it. Let us swim in the consequences of our choices,” saad ni Rica.

Dagdag pa niya, “Plus the fact that as a wife & mom, mas gusto kong enjoyin nya na ang buhay nya sa tahimik nyang pagtulong sa abot ng kanyang makakaya habang involved na involved parin sya sa buhay ng kanyang mga anak.”

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Matatandaang si Rica ay isang certified Kakampink. Sinuportahan niya noong 2022 ang kandidatura ni Leni kasama ang running mate nito sa pagka-Bise Presidente na si Sen. Kiko Pangilinan.

Maki-Balita: Rica Peralejo, ipinahayag ang pag-ibig sa bansa: 'Iniibig ko ang Pilipinas. Tahanan ng aking lahi'

Minsan nang nanawagan kay Leni ang ilang indibidwal, kabilang na si Sen. Kiko, para kumbinsihin siya na muling tumakbong pangulo sa 2028 elections.