Ibinunyag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na nagkaroon umano siya ng sakit na prostate cancer at pinili niyang itago ito sa Iran.
Ayon sa naging pahayag ni Netanyahu at lumabas sa mga international news media outlet nitong Sabado (araw sa Pilipinas), Abril 24, 2026, sinabi niyang sumailalim daw siya sa operasyon dahil sa kaniyang prostate cancer.
Aniya, mahigit isa at kalahating taon na raw ang nakalipas nang magkaroon siya ng prostate surgery.
Mahigit dalawang buwan ang lumipas, nakita ng kaniyang mga doktor ang isang maliit na tumor at agad nila itong nagamot sa Jerusalem’s Hadassah Hospital sa pamamagitan ng radiation therapy.
Saad ni Netanyahu, hiniling daw niyang palipasin muna ang mahigit dalawa at kalahating buwan bago isapubliko ang kaniyang naging kalagayan upang maiwasan ang mga “false propaganda” na manggagaling sa Iran.
“I requested to delay its publication by two months so that it would not be released at the height of the war” anang Prime Minister.
Paglilinaw naman ni Netanyahu, malusog na raw siya ngayon at maituturing na lang na “minor medical issue” ang kaniyang tumor.
Matatandaang Pebrero 28, 2026, nang pormal na mag-anunsyo si United States (US) President Donald Trump ng kanilang major combat operation o giyera laban sa Iran.
Kasama ng US na bumomba sa Iran ang bansang pinamumunuan ni Netanyahu na Israel.
Sa halos dalawang buwan na ang lumipas, nananatili pa ng hindi nagkakaroon ng kasunduan o mapayapang negosasyon ang kapuwa mga nasabing bansa sa Islamabad Talk na pinangunahan ng bansang Pakistan.
Isa sa mga pangunahing epekto sa Pilipinas ng nagmitsang sigalot sa Gitnang Silangan ay ang labis na pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo, sanhi naging pagsasara ng Strait of Hormuz na isang mahalagang pinagkukunan ng suplay ng langis sa buong mundo.
KAUGNAY NA BALITA: US-Israel, pasimuno sa malaking pagsabog sa isang siyudad sa Iran!
KAUGNAY NA BALITA: US Pres. Donald Trump, inanunsyo simula ng major combat operation vs Iran!