DREAM come true para kay Thea Tolentino nang makatikim na siya nang malakas at malutong na mga sampal mula sa iniidolo niyang kontrabida, si Gladys Reyes. For the first time ay nakasama ni Thea si Gladys sa GMA Afternoon Prime na Madrasta.

Gladys & Thea

“Nang malaman kong kasama ko sa serye si Ms. Gladys, natuwa ako, isa kasi siya sa hinanhangaan kong kontrabida,” sabi ni Thea. “Kaya naging dream kong makaeksena siya, dahil kung kontrabida ako, kontrabida rin siya pagdating sa kanyang anak na si Sean (Juancho Trivino) at mga apo, ang mga anak namin ni Sean.”

Mag-asawa sina Katharine (Thea) at Sean, pero ninakawan niya ang asawa ng malaking pera na ikinawasak ng beauty clinic ng mag-ina, si Dr. Elizabeth Ledesma (Gladys) at Sean. Kaya nang muling magkita ang magbiyenan, nakatikim si Katharine ng malalakas na sampal mula kay Elizabeth.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Ibinahagi pa ni Thea sa kanyang Instagram ang behind-the-scenes shoot nila. “Elizabeth vs. Katharine. Intense scenes today! Namiss kong masampal ng ganoon! So grateful na nakakatrabaho ko ang mga mahuhusay na beteranang aktres gaya ni Ate @iamgladysreyes. Ang dami kong natutunan kada taping. Love you ate.”

Isa nga sa mga sinusubaybayan sa hapon ang “Madrasta” na napapanood pagkatapos ng Prima Donnas sa GMA 7.

-NORA V. CALDERON