AS expected, may mga kinilig, may hindi naniwala at may nam-bash pa kay Andrea Torres dahil sa post ni Derek Ramsay ng photo nilang dalawa ni Andrea at may caption na “I love you @andreatorres.”

Derek at Andrea

Kinilig ang shippers ng dalawa dahil open daw si Derek sa pagpapahayag ng feelings niya kay Andrea. May mga nag-wish pa nga na sana magpakasal na sila at iwan na ang magulo at maintrigang showbis.

May mga bashers at haters din na ayaw makitang masaya ang ibang tao. Muli na namang inokray si Andrea dahil hindi raw maganda kung walang make-up. Obviously, hindi pa nila nakikita ng personal ang aktres.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Anyway, sa nakaraang birthday ng mom ni Derek, binate siya ni Andrea ng “Will never get tired of reminding you how special you are to me. Birthday or not.”

-Nitz Miralles