TAMPOK ang Arnis at open water swimming – dalawang sports na inaasahang magbibigay ng medalya sa Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games – ang magbibigay ng kanilang pananaw sa ‘Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Pangungunahan ni Senator Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri, pangulo ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF), ang delegasyon ng Arnis na sasabak sa biennial meet na nakatakda sa Disyembre 1-3 sa New Clark City.
Isang selebrasyon ang gaganaping session na nakatakda ganap na 10:00 ng umaga sa pagdiriwang ng unang taong anibersaryo ng TOPS ‘Usapang Sports’.
Makakasama ni Sen. Zubiri sina PEKAF Executive Vice President Gerald Cañete, Executive Director Andrus Dominic Lacbayo at ilang miyembro ng koponan.
Magbibigya naman ng kanilang pananaw sa kompetisyon sina Open water swimming coach Betsy Medalla at swimmers Ron Jairus Villamor at Joboy Gonzales sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.
Imbitado rin ang papasikat na basketball players na sina Alvin John Capobres at Luke Parcero, inaasahang mapapabilang sa top 10 sa gaganaping PBA Draft sa Dec. 8.
Mapapanood ang TOPS ‘Usapang Sports’ ng live sa Facebook via Glitter Livestreaming.