Apat na pelikulang Pilipino ang kasama sa spectacular roster ng 366 na pelikulang itinampok sa ika-25 na Kolkata International Film Festival (KIFF) sa Kolkata, India.

Shaina -kolkata lOVI--kolkata

Lumaban ang Gitarista (The Guitarist) ni Jason Orfalas sa Asian Select (NETPAC Award) section at Mindanao ni Brillante Ma. Mendoza sa International Competition: Innovation in Moving Images section.

Tampok sa Gitarista sina Cedrick Juan, Noel Comia, Jr., at Anna Luna; sina Judy Ann Santos at Allen Dizon naman sa pelikulang idinirihe ni Mendoza na Mindanao.

'TrilYULO:' Dennis, kumasa rin sa croptop challenge!

Tuloy-tuloy ang pag-iikot ng Ang Hupa (The Halt) ni Lav Diaz sa iba’t ibang international festival circuits. Pasok ang nasabing pelikula sa Maestro section ng KIFF na pinagbibidahan nina Joel Lamangan, Piolo Pascual, at Shaina Magdayao.

Ang kumumpleto naman sa lineup ng Philippine entries sa KIFF ay ang Latay (Battered Husband) ni Ralston Gonzales Jover na ipinalabas sa Cinema International section. Kabilang rito sina Allen Dizon, Lovi Poe, Snooky Serna, at Mariel De Leon.

Isang grand opening ceremony ang nagsilbing kick-off ng eight-day film festival na dinaluhan ng malalaking personalidad at dignitaries sa industriya. Ang Bollywood actor na si Shahrukh Khan ang nag-inaugurate ng KIFF sa Netaji Indoor Stadium noong Nobyembre 8.

Ayon kay Board of Control for Cricket in India President Sourav Ganguli, ang KIFF ay pagdiriwang ng cinema, at binibigyan nito ang filmmakers ng pagkakataong ibida ang mga gawa nila sa festival.

Ang ika-25 na Kolkata International Film Festival ay ginanap mula Nobyembre 8 hanggang 15, 2019.

-Reggee Bonoan at Ador V. Saluta