KAYA naman pala biglang nawala si Arjo Atayde pagkatapos ng opening/blessing ng Sylvia Sanchez by Beautederm nitong Linggo ng gabi ay dahil susunduin niya ang girlfriend niyang si Maine Mendoza para isama sa family dinner ng pamilya niya.

maine n arjo dinner wd family1

Maraming gustong mag-interbyung media kay Arjo nu’ng gabi pero magalang siyang nagpaalam na may pupuntahan pa.

Natanong namin ang nanay ng aktor na si Sylvia na umiwas ang aktor sa media, “may lakad ‘yun, susunduin niya si Maine!”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Walang binanggit na magkakasama pala silang lahat nu’ng gabi hanggang sa nag-post si Ibyang ng litrato nilang pamilyang magkakasama sa dinner at nandoon si Maine katabi si Arjo.

Ang caption ng mga litrato, “Fun dinner last Sunday. Sunday is famday.Love you kiddos.#family #happiness #blessed #thankuLORD. Happy evening.”

Hayan, maliwanag pa sa sikat ng buwan, miyembro ng pamilya Atayde si Maine, kaya sa mga assuming na walang relasyon ang ArMaine, hayan ang resibo!

Samantala, matutupad na kaya ang pangarap ni Arjo na si Maine ang gusto niyang maging leading lady sa unang romantic-comedy movie na ipo-produce niya sa 2020?

-Reggee Bonoan