HINDI pa rin nakakalimutan ni Rocco Nacino ang pagiging generous ni Alden Richards na nakasabay niya sa audition ng Starstruck 5 at kapag natatanong tungkol doon, malinaw pa rin niyang nakukuwento kahit ilang taon nang nangyari.

Rocco

Sa kuwento ni Rocco, sa isang activity nila, kailangang plain white t-shirt, maong at denims ang kailangan nilang isuot. Dumating siyang may print ang t-shirt, kaya napagalitan siya. Habang nag-iisip kung paano ang gagawin, may tumapik sa balikat niya at tinanong siya kung kailangan ng white t-shirt.

“Si Alden ang nagpahiram ng white t-shirt, mataba ang puso noon, very generous. On the same day, siya (Alden) ang na-eliminate, kaya nagkaroon ako ng trouble kung paano ko isosoli sa kanya ang white t-shirt,” kuwento ni Rocco.

Hindi na naisoli ni Rocco ang white t-shirt na hiniram kay Alden, remembrance na lang daw na there was a time, pinahiram siya ng white t-shirt ni Alden kaya nagpatuloy siya sa Starstruck at ngayon, isa na sa mahusay na Kapuso actor.

Relasyon at Hiwalayan

Franki Russell, Enrique Gil naantala ang pagkakamabutihan

Samantala, busy si Rocco sa taping ng Descendants of the Sun na tuluy-tuloy ang taping kahit early next year pa ang airing. Second lead kay Dingdong Dantes ang role niya bilang si Sgt. Diego Ramos at makakapareha si Jasmine Curtis Smith.

-Nitz Miralles