NAKA-POST na sa Instagram (IG) accounts nina Ai-Ai delas Alas at Jennylyn Mercado ang poster ng 2019 MMFF entry na 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon na dalawa sila sa mga bida kasama si Coco Martin. Sa poster pa lang at sa caption ni Jennylyn na “Ito na ang pinakamalaking rambol na SANA SAMA ALL! Surebol na papawi sa lahat ng TROBOL ngayong PASKO! Pagbibidahan namin nina Ai Ai delas Alas at Coco Martin.

Coco at Jennylyn

Surebol na LAFFABOL! Surebol na LAVABOL! Surebol na INCREDIBLE! 3POL TROBOL: Huli Ka Balbon! DECEMBER 25 na,” ramdam agad na masaya ang pelikula.

May mga negative feedback sa poster ng movie, pero kami naaaliw dahil nagkasya ang maraming cast. Prominent lang sina Edu Manzano, Joey Marquez, Rowell Santiago, Sam Milby, Mitch Valdes at Tirso Cruz III. Pati si Manila City Mayor Isko Moreno na guest, kasama rin sa poster. The rest, sa cast hindi na makilala.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Bukod kina Ai-Ai at Jennylyn, isa pang Kapuso star na kasama sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon. Si Coco rin ang director ng movie at siya rin ang producer at baka pati sa script, tumulong din ang actor/director/producer.

-Nitz Miralles