NANGHIHINAYANG kami sa pagkakaibigan nina Ariel Villasanta at Maverick Relova na nakilala sa programang The Misadventures of Maverick and Ariel na napanood sa TV5, 2006 dahil nasira sa hindi pagkakaunawaan.

ariel

Base ito sa napanood namin sa ginanap na screening ng pelikulang Kings of Reality Shows sa UP Film Center nitong Biyernes. Ito marahil ang dahilang kung bakit hindi na nagpapakita sa mga dating ka-trabaho si Maverick.

Flashback, sumikat ng husto ang tandem nina Maverick at Ariel lalo na nu’ng isinama pa ang mommy ng huli na si Mommy Elvie Villasanta na talagang inabangan ng husto ang reality show dahil tuwang-tuwa ang lahat sa pinaggagawa ng magkaibigan.

Events

'Rated J?' Korina Sanchez, Jessica Soho naispatang magkasama sa Vatican

Dahil super sikat nga ang tambalang Maverick at Ariel kaya naisip nilang dalawa na ang ginagawa nila sa programa ay gawing pelikula at sa Amerika iso-shoot at mga kilalang celebrities doon ang kakapanayamin nila.

At dahil kapos sa budget kaya inilapit nila ito sa GMA 7 na matinding tinutulan noon ng isa sa executives na si Joey Abacan, pero ang nangangasiwa ng GMA Films noon na si Ms Anette Gozon – Valdez (may asawa na ngayon) ay tuwang-tuwa sa dalawa kaya ipinatuloy niya ang hininging budget nina Maverick at Ariel na P20M para sa pelikulang Kings of Reality Shows, ang unang reality movie na ipalalabas sa Pilipinas.

Natuloy naman sa Amerika ang dalawa at samu’t saring hirap at mga nakakatawang pangyayari ang naranasan ng magkaibigan.

Hindi makapasok sa Hollywood ang dalawa kaya naisip nilang mag-audition sa American Idol na imposible kasi hindi naman sila American citizen kaya naghanap sila ng puwedeng makatulong sa kanila.

Ipinakilala nila ang mga sarili sa mga babaeng nakakasalamuha nila sa lahat ng pinupuntahan nila hoping na may pumatol sa kanila pero nauwi lang sa gulo at ipinakita rin na nakulong sila. Mabuti na lang at tinulungan sila ni Suzette Ranillo na matagal ng citizen doon.

Hanggang sa naispatan nila si Jasmine Trias ang 3rd place finalist sa ikatlong season ng American Idol, 2004 sa isang hotel at dito nakipagkilala si Maverick.

Si Jasmine ang huling baraha nila para sa pangarap na American Idol pero hindi natuloy dahil nagalit siya kay Ariel sa mga biro nitong hindi maganda kaya nag-walk out. At dito na rin nagalit si Maverick sa kaibigan dahil nauwi sa wala ang plano.

Nagtalo at hindi na nagpansinan sina Ariel at Maverick bagay na tinatanong namin sa direktor na kasama nila noon sa America kung seryoso ang away at hulaan daw namin. Maging ang walk out thing ni Jasmine ay hindi rin kami sinagot kung seryoso o nagkaayos na sila.

H i n d i p a t a p o s a n g Misadventures of Maverick and Ariel sa Amerika, pero biglang nawala ang huli at hindi na nakasabay umuwi ng Pilipinas.

Hanggang sa ilang taon ang lumipas ay hindi pa rin mahanap si Ariel at napilitan lang siyang lumitaw nu’ng nagkasakit ang mommy Elvie niya at nabanggit niyang kinupkop siya ng mga kababayang Pinoy doon dahil nga broke na siya.

Maganda ang nabuong pelikula nina Maverick at Ariel pero hindi ito naipalabas sa hindi malamang dahilan ng GMA.

Sampung taong naimbak ang pelikula kaya naisip ni Ariel na ituloy ito pero kinailangan niyang bilhin ang rights sa GMA at dito siya nangalap ng pondo.

Itinuloy ni Ariel ang pelikula na siya na ang sumulat, nagdirek at nag-produce at ipinakita sa Kings of Reality Shows ang paglapit niya kina Presidente Rodrigo Duterte, Mayor Sara Duterte, Senators Manny Pacquiao, Bong Go, Antonio Trillanes, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Congressman Strike Revilla and Chaye C a b a l - R e v i l l a , Ex PCOO Mocha Uson, Mayor Isko Moreno, Empoy Marquez, Raffy Tulfo, Joey de Leon, Jose Manalo, Regine Tolentino, Suzette Ranillo, Coco Martin, Cristina Decena at ang mga namayapang sina German Moreno at Eddie Garcia.

A n g m g a nabanggit ay nahingan ng tulong ni Ariel para sa karagdagang pondo para tapusin ang pelikulang Kings of Reality Shows at para sa gastusin nito sa promo at iba pang bayarin.

Hi n d i n ami n alam kung biro rin ng komedyante na isinanla niya ang bahay niya at sana kumita ang pelikula para matubos niya.

Matagal na naming naririnig na ang mga komedyante ay magaling magpatawa, pero sa likod nito ay may mga pinagdadaanan, at isa nga si Ariel rito.

Nagandahan kami sa pelikula dahil napakanatural, walang filter at bilib kami sa lakas ng loob nina Ariel at Maverick para suungin ang lahat pero sa kabilang banda, naluha kami dahil dama namin ang eagerness ng una na maipalabas ito na pinaghirapan nila ng kaibigan niya.

Sana pala dumating si Maverick sa ginanap na screening para narinig niya ang magagandang komento sa pelikula nila at sana makapag-usap na rin sila ni Ariel kung anuman ang nangyari.

Mapapanood na ang Kings of Reality Shows sa Nobyembre 27 released ng Solar Films.

-REGGEE BONOAN