SIGURADONG kikiligin ang mga k-drama fans sa pagbisita ng Korean actor na si Ji Chang Wook sa bansa para sa kanyang Asia Fan Meet sa January 2020.

Ji Chang Wook

“We thank domestic and foreign fans for sending a lot of love and support to Ji Chang Wook’s activities in 2019. To return the love, Ji Chang Wook Asia Fan Meeting Tour “Waiting for you” will be held,” anunsiyo ng Glorious Entertainment, ang agency ng actor.

Kabilang sa mga bansang bahagi ng kanyang fan meeting ay ang– Korea, Taiwan, Singapore, Thailand, Indonesia, Japan, at Philippines.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Inaasahan namang ilalabas ang detalye ng fan meeting sa official website at official SNS account ng Glorious entertainment.

Nakilala si Chang Wook sa pagganap niya bilang bida ng mga Korean drama series tulad ng Smile, Dong Hae noong 2010, Warrior Baek Dong Soo noong 2011, Empress Ki noong 2013 at marami pang iba.

Taong 2017 nang ma-enlist sa South Korean military at na-discharge nito lamang Abril.

-Ally Nievera