KUMPIYANSA ang Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) na mawawalis ng atletang Pinoy ang pole vault competition sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

NATALIE UY

NATALIE UY

Tatanganan ni EJ Obiena, unang Pinoy na kwalipikado sa 2020 Tokyo Olympics, ang men’s division, habang sina Filipino-American Natalie Uy at Alyana Nicolas ay may target na 1-2 finish sa women’s class.

Kapawa sa Amerika sina Uy at Nicolas para sa huling antas ng pagsasanay para maihanda ang sarili sa biennial meet na gaganamin sa world-class 20,000-seat New Clark City athletics’ stadium.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

“Both Natalie and Alyana are serious and hardworking athletes, who always want to improve and push the envelope. Natalie is now in Arkansas training under Sam Bell of the well-known Arkansas-based Bell Sports. Alyana is in San Jose, California, training under 1991 SEA Games gold medalist, Fil-Am pole vaulter, Edward Lasquete. I’m hoping for a 1-2 finish in the women’s pole vault of the SEA Games,” pahayag ni Philippine Athletics Track and Field Association President Philip Juico.

Napukaw ni Uy ang kamalayan ng sambayanan nang magwagi ng gintong medalya sa bagong marka ng 2019 Philippine National Open Athletics Championships nitong Marso sa Ilagan City Sports Complex. Naitala niya ang 4.12 meters para burahin ang 4.11 meters ba national women’s record ni Deborah Samson noong 2008 California Regionals.

Nakamit Nicolas ang silver medal sa taas na 3.8 meters.

Nasundan ito ni Uy sa nakamit na bronze medal sa Asian Athletics Championship sa Doha, Qatar, kung saan nalagpasan niya ang sariling Philippine record sa nailistang 4.20 meters sa likod ni Chinese star Li Ling (4.61) at kababayan na si Xu Hiquin (4.36).

Sa naturang torneo, nakamit naman ni Obiena ang gintong medalya sa nalagpasang 5.70 meters. Nahila niya ito sa 5.85 meters sa torneo sa Italy sapat para makalusot sa Olympic qualifying.

Sa SEA Games, target ng 24-anyos na si Uy na pantayan hindi man malagpasan ang personal-best na 4.30 meters, sapat na para malagpasan ang 4.10 meters ni Thailand’s Chayanisa Chomchuendee na naiatala sa 2017 SEAG sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa nakalipas na Asian Games sa Jakarta, hindi nakalaro si Uy dahil sa pagkaantala ng kanyang Philippine passport.

“There would be no hiccups like that this time,” sambit ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez.

“Government has also made sure that the athletes’ trainings are funded. It’s already near the main days and here are the athletes about to close their various camps,” aniya.