May 30, 2026

Home BALITA Probinsya

DSWD, sasampahan ng kaso ‘fake survivor’ sa pagguho sa Pampanga

DSWD, sasampahan ng kaso ‘fake survivor’ sa pagguho sa Pampanga
Photo courtesy: Angeles City Information Office (FB)

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nakatakda nilang sampahan ng kaso ang natimbog na “fake survivor” mula sa naging pagguho sa Balibago, Angeles City, Pampanga, kamakailan. 

Sa inilabas na pahayag ng DSWD nitong Sabado, Mayo 30, binanggit ni Asec. Irene Dumlao na kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan ang ahensya sa mga awtoridad para sa mga kasong isasampa laban sa indibidwal na nagpanggap na survivor sa pagguho, upang matiyak na ang kanilang limitadong tulong ay maipapamahagi sa mga tunay na biktima. 

"Nakikipag-ugnayan po tayo ngayon sa mga awtoridad habang pinag-aaralan ang mga posibleng kasong maaaring isampa laban po sa nasabing indibidwal. Hindi po natin palalampasin ang anumang pagtatangka na ilihis ang limitadong resources na para po sana sa mga tunay na biktima ng trahedya," ani Dumlao.

Sa kabilang banda, ang DSWD ay patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga nabiktima ng trahedya at kanilang pamilya, kasama rito ang hygiene kits, ready-to-eat food (RTEF) packs, family food packs (FFPs), at cash relief assistance sa halagang ₱10,000 para sa mga kwalipikadong benepisyaryo. 

Bukod dito, ang Central Luzon Field Office (FO) rin ng DSWD ay nagsasagawa ng psychosocial interventions sa mga biktima at kanilang pamilya. 

Probinsya

‘Heat stroke,’ dahilan ng pagkasawi ng dalawang trainee cadets sa Tarlac – PA

Matatandaang nag-viral ang nasabing indibidwal sa social media matapos niyang sabihin na isa siya sa mga nakaligtas sa insidente dahil bumibili raw siya ng alak noong maganap ang pagguho. 

Lumabas sa imbestigasyon ng Angeles City Information Office (ACIO) noong Biyernes, Mayo 29, na hindi survivor o kaanak man ng sinuman sa trahedya ang indibidwal, at hindi rin ito residente ng Angeles City. 

MAKI-BALITA: Lalaki, nagpanggap na survivor ng gumuhong gusali sa Pampanga para makakuha ng ayuda