May 30, 2026

Home BALITA

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, aabot hanggang ₱10 sa susunod na linggo!

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, aabot hanggang ₱10 sa susunod na linggo!

Inaasahang magkakaroon ng malaking rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, kung saan maaaring umabot sa ₱10 kada litro ang bawas sa kerosene, ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa galaw ng presyo sa unang apat na araw ng kalakalan ngayong linggo, sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rino Abad na posibleng bumaba ang presyo ng gasolina ng hanggang ₱4 kada litro, diesel ng hanggang ₱8 kada litro, at kerosene ng hanggang ₱10 kada litro.

Kung matutuloy, mababawi nito ang ipinatupad na pagtaas ngayong linggo na ₱1.95 kada litro para sa gasolina, ₱1.90 kada litro para sa diesel, at ₱1.45 kada litro para sa kerosene.

Ayon kay Abad, nananatiling mataas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngunit bumaba na ito kumpara sa antas na naitala ilang linggo matapos sumiklab ang tensyon sa Gitnang Silangan noong huling bahagi ng Pebrero.

Mula sa halos ₱140 kada litro na naitala sa kasagsagan ng pagtaas, nasa pagitan na lamang umano ng ₱70 hanggang ₱80 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo sa kasalukuyan.

Probinsya

DSWD, sasampahan ng kaso ‘fake survivor’ sa pagguho sa Pampanga

“This is due to the results and pronouncements on the negotiations between the U.S. and Iran,” 

Samantala, upang mabawasan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa sektor ng transportasyon, sinabi ni Abad na nakapaglabas na ang pamahalaan ng humigit-kumulang ₱40 milyon bilang ayuda sa mga driver ng pampublikong sasakyan sa ilalim ng Fuel Subsidy Program.

Sa ilalim ng programa, tumatanggap ang mga kwalipikadong benepisyaryo ng subsidiya na katumbas ng ₱10 kada litro ng gasolina o diesel.

Ayon pa sa DOE, nasa 1,263 na gasolinahan sa buong bansa ang nakikilahok na sa programa, at inaasahang madaragdagan pa ito sa mga susunod na linggo upang mas maraming motorista ang makinabang sa subsidiya.

Inaasahang ilalabas ng mga kumpanya ng langis ang opisyal na anunsiyo hinggil sa rollback sa mga susunod na araw bago ito ipatupad sa Martes.