Maypa-wanted si Robin Padilla at kung sino ang may qualifications ng mga hinahanap niya, mag-apply na!

-robin

“WANTED: kung kayo ay maka-inangbayan at may kakayahan sa camera video editing at paglatag ng musika KAILANGAN ko kayo para sa aking revolutionary digital team mag-iwan po kayo ng contact number sa comment at tatawagan ko kayo inshallah halina’t masilbi tayo sa Tao at sa Dios.”

May pahabol pang mensahe si Robin: Hindi lahat ng kaibigan at kakilala ay ipagtatanggol ka at ipaglalaban ka wag mong asahan ang ibang tao na tatayo para sa iyo at tatanggap ng tama o bala para sa iyo. Walang ibang haharap sa mga naninira sa iyo kundi ikaw tandaan kadalasan sa mundong ito kailangan mo muna mamatay bago maglabasan ang mga kaibigan mo at kakilala mo para makiramay at magsalita para sa iyo sa oras na hindi mo na naririnig dahil nakahimlay kana don lahat ng maganda ilalabas lahat lahat para sa karangalan ng patay na. Mga kababayan walang tutulong sa atin kundi sarili natin dahil kapag sa usapin na ng pera walang mapaglagyan ang kaibigan at kakilala pero kapag usapin na ng tapang at malasakit tumingin sa tabi mo yun pinakamalapit sa iyo lumayo na at loyal na sa ibang may pakinabang sila. Matuto na wag iasa ang kinabukasan kanino man lalo ang pagtatanggol sa sarili. Tumindig ka Pilipino!”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

May mga nag-comment na willing silang tumulong kung anuman ang magagawa nila para sa adhikain ni Robin. Sabihan lang daw sila ni Robin at willing silang tulungan ang aktor.

-NITZ MIRALLES