Ikinatuwang Korean actor na si Ryu Seung Ryong na nagkaroon ng Pinoy version ang kanyang most talk about movie na Miracle in Cell No 7. Isinalin ito sa pelikula ng Viva Films at isa sa mga pelikulang tampok sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 sa December.

Aga Muhlach Miracel in Cell #7 Korea's Mirache in Cell # 7

Ipinost ng Viva Films sa kanilang social media platforms ang comment ni Ryu: “So touched that there will be a Philippine remake.”

Lalo sigurong natuwa ang Korean actor kung nakita niya ang post ng Viva ng movie teaser nila na sa loob ng 24 hours, nakakuha ng 9.5 million views.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bida sa Pinoy remake ng Miracle in Cell No. 7 si Aga Muhlach at gaganap bilang anak niya ang child actress na si Xia Vigor at si Bela Padilla. Idinerehe ito ni ni Nuel Naval.

-NORA V. CALDERON