HINDI kinumpirma ni Ms. Maricel Soriano na isa siya sa ninang sa kasal nina Angel Locsin at Neil Arce. Ang sabi lang niya ay “pinadalhan ako ng sulat ni Angel, ng anak ko.”

aNGEL AT nEIL THE HEIRESS

Kaya nang tanungin kung papaya siya kapag kinuhang ninang sa kasal ng aktres, sumagot siya na, “Ay oo naman mahal ko si Angel ‘no?”

“Kahit ano ako, sponsor o guest, I will be there for Angel. I want Angel and Neil to be happy, they’re good friends of mine. I see them naman very sweet. I just want them to be happy especially Angel. She deserved to be happy,” dagdag pa ng Diamond Star.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Natawa naman ang lahat sa sagot ng lead actress ng pelikulang The Heiress na, “ayaw natin ‘yun” nang banggitin na mahirap mag-asawa ngayon.

“’Wag ako ang tanungin mo (tungkol sa pag-aasawa), wala akong ma-advise sa bata, ha ha. Pero sinabi ko na kay Angel, ‘sweetheart, there’s nothing like being happy all the time. It’s so hard to maintain happiness ‘yung palaging nandiyan lang ang husband mo. Actually, nandiyan lang naman parati, (just hold onto it). Kung baga sa mga trees, hawiin mo, nandiyan lang siya,” makahulugang sabi ni Ms. Mary.

Masaya si Marya sa estado ng kanyang buhay ngayon.

“I want to be happy, sometimes struggles for me pero sabi ng mga anak ko, ‘NO!’ Laro lang kami.”

Samantala, nabanggit din na gustong makatrabaho ni Maricel si Piolo Pascual na mala-May-December affair.

“Naku, okay na okay sa akin basta si Papa P (kinilig) love ko ‘yun, eh. Oo naman! Mabait ‘yun,” nakangiting sagot ng aktres.

Sa presscon ng The Heiress ay nabanggit din ni Maricel na nakasama na niya si Piolo sa pelikulang Mila noong 2001.

“Alam mo, ang palaging ginagawa kong ehemplo pagdating sa ganito, si Papa P. Si Piolo kasi, noong ginawa ko yung Mila, alam mo, napaka-professional and very punctual.

“He’s always in the set na nagbabasa ng script, dala-dala yung unan niya at nagme-memorize ng script at walang kinakausap kundi yung script niya.

“Kaya sabi ko, noong panahon na ‘yun, sinabi ko na ‘to, na sana, kung merong mga artistang baguhan o pumapasok pa lang sa pag-aartista, tularan nila yung attitude ni Piolo,” papuri ng Diamond Star sa aktor.

Anyway, sa pelikulang The Heiress ay pamangkin ni Maricel si Janella Salvador at inaalagaan niya ito para maging tagapagmana niya bilang isa siyang mambabarang.

Mapapanood na ang The Heiress sa Nobyembre 27 mula sa direksyon ni Frasco Mortiz produced ng Regal Films at kasama rin sina Mccoy deLeon at Sunshine Cruz.