Trulilikaya na sina JM Bascon at Meryll Soriano na ngayon?

MERYLL at JOEM

Naibulong kasi ito ng aming source na hiwalay na si Joem sa Youtuber girlfriend at kaya pala naiiyak siya noong presscon ng pelikula nila ni Lovi Poe na The Annulment na palabas sa mga sinehan ngayon ay dahil may pinagdadaanan siya.

Ito rin ang kuwento ni Joem sa mga solo interview niya na may pinagdadaanan siya ngayon pero hindi naman binanggit na on the rocks na sila ng kanyng girlfriend.

Tsika at Intriga

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla

Ang buong kuwento sa amin ng aming source, “Nagkahiwalay na sila during the promo ng The Annulment, sumakto pa sa kuwento ng movie, though hindi naman sila kasal pa.

“Based on what I heard, nagkakamabutihan sina Meryll at Joem and ito rin yata ang reason why they broke up with the ex-girlfriend.”

At dito namin napagtagpi-tagpi na kaya siguro dumating sa premiere night ng The Annulment si Meryll sa SM Megamall Cinema 7 nitong Lunes, Nobyembre 11, ay para suportahan si Joem.

Hmm, bukas ang pahinang ito para kina Meryll at Joem.

-Reggee Bonoan