July 20, 2026

Home SHOWBIZ

Bea Windorski, nagpa-tattoo sa pamangkin ni Apo Whang-Od

Bea Windorski, nagpa-tattoo sa pamangkin ni Apo Whang-Od
Photo Courtesy: Bea Milan Windorski (IG)

Nagpalagay ng tattoo si Miss Universe Philippines 2026 Bea Milan-Windorski kay Grace Palicas, na pamangkin ng legendary mambabatok na si Apo Whang-Od.

Sa isang Instagram post ni Bea kamakailan, ibinahagi niya ang kahulugan ng tatlong tuldok na ipinalagay niya sa kaniyang kaliwang braso.

“The three dot signature represents the continuation of the mambabatok art form through the legendary Apo Whang-Od, her niece Grace Palicas, and her grandniece Elyang Wigan,” saad ni Bea.

Dagdag pa niya, “To me, they also serve as a reminder of my mom and lola, who shaped me into the woman I am today.”

Ayon kay Bea, bilang isang pageant queen, madalas umano siyang tinatanong tungkol sa persepsyon at kahulugan ng ganda. 

Tsika at Intriga

Joshua Garcia, iniintrigang 'DDS' dahil sa reposted video

Ngunit lagi umanong pinapaalala sa kaniya ng Cordillera at ng mga babaeng mambabatok na ang kagandahan ay higit pa sa nakikita ng mga mata.

“For the Kalinga, tattoos are markers and enhancers of beauty. It was believed that you could not bring gold, silver, or any worldly possessions into the afterlife; you could only bring the markings on your bodies,” dugtong pa ng pageant queen.

Nakatakdang katawanin ni Bea ang Pilipinas sa global stage para sa ika-75 edisyon ng Miss Universe na gaganapin sa Nobyembre 2026.

Matatandaang kinoronahan siya bilang Miss Universe Philippines 2026 sa SM Mall of Asia Arena noong Mayo 2.

Basahin: KILALANIN: Sino si Miss Universe Philippines 2026 Bea Millan-Windorski?