“HOPEFULLY next year (2020)”, ito ang sagot sa amin ng handler ni Julia Montes na si Mac Merla ng Cornerstone Entertainment kahapon nang tanungin namin kung balik-showbiz na ang aktres.

juia lang

Nakita kasi naming magkasama ang dalawa sa isang dental clinic at ang ganda ngayon ni Julia sa bago niyang short hair na inisip namin na baka para sa pagbabalik-showbiz niya.

“Sinamahan ko lang mag-mall at mag-dentist kahapon, (Miyerkules),” ani Mac.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pagkalipas nang ilang buwan ay lumabas-labas na si Julia at kamakailan nga ay nakita siyang namimili sa isang kilalang grocery sa Greenhills, San Juan kung saan pinagkaguluhan siya ng tao para magpa-picture.

Obviously, maraming nakaka-miss kay Julia base na rin sa pinost niyang litrato niya sa Instagram na umabot sa 88 positive comments at 251k likes.

May mga lumabas na isyu ulit tungkol kina Julia at Coco Martin pero hindi naman ito pinapansin ng kampo ng aktres dahil ang katwiran ni Mac, “nababasa ko, pero wala namang sinasabi sa akin kaya dedma.”

Ang daming supporters ng aktres na nagtatanong sa kanya sa IG kung kailan siya magiging aktibo ulit sa showbiz at kasama na kami kaya humihingi kami ng eksklusibong panayam sa dalaga na sana mapagbigyan kami.

-REGGEE BONOAN