EMOSYONAL ang It’s Showtime host-actress na si Anne Curtis nang ibahagi nito sa madlang pipol ang kanyang pagbubuntis nitong Lunes, Novembebr 11.

Anne

Sa una niyang pahayag sa harap ng co-hosts at mga audience, sinabi ni Anne na, “Lalo nang magiging espesyal ang November sa akin because I’m happy to announce that Erwan and I are expecting. I’m pregnant... Magiging mommy na ako!” bungad ni Anne.

Erwan (Heussaff) and I are very, very happy. Again, maraming, maraming salamat to everyone. The overflowing love talaga na we received after announcing yesterday... Maraming salamat for the love, madlang people, na binigay ninyo yesterday sa akin, sa asawa kong si Erwan, and for my little one,” dagdag niya habang nasa audience rin ang kanyang mommy.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Ginulat ng celebrity couple nitong Linggo, ang social media world, nang i-reveal nila na nagdadalang-tao si Anne, sa pamamagitan ng isang maikling video kung saan ipinakita nito sa unang pagkakataon ang kanyang baby bump.

Ayon naman sa kapwa host na si Vhong, magkahalong saya at kaba ang naramdaman ng kanyang It’s Showtime family nang ibinalita ni Anne ang kanyang pagbubuntis.

“Noong binanggit sa atin ni Anne ‘yun, una siyempre tuwang tuwa tayong lahat. Pero nagkahalo ng kaba dahil noong ‘Magpasikat Week’, kung anu-ano pa ‘yung ginawa mo,” ani Vhong. “Pero ‘di ba sinabi mo na chine-check mo naman, na nagtatanong ka sa doctor mo, kung safe naman.”

Nag-explain din ang aktres kung bakit pinili nilang mag-asawa na ilihim muna ang kanyang pagbubuntis.

“We wanted to keep the baby for us muna. It was really such a nice journey. Medyo nahirapan din kami noong una, kung paano ko ba hindi maipapahalata. Pero ang galing din kasi hindi rin siya muna nagpakita masyado. Pero it was nice just to share with Erwan and I. It was our little secret,” aniya.

“Now, we were ready to share it with the whole world. Kaya ayan, nagpapakita na talaga siya,” pagbabahagi pa ni Anne habang naiiyak.

Sumang-ayon naman ang kanyang kapwa hosts na noon pa man ay nagpapakita na ng senyales si Anne ng kanyang pagdadalang tao.

“Ang saya lang kasi ‘di ba we celebrated 10 years so ang dami ng nangyari sa 10 years ng buhay ko sa Showtime. From being single, nagkaroon ng boyfriend, nagkaroon ng asawa. And now, as we celebrate our 11th year in Showtime... I’m now going to be a mom. I’m just so happy to share it with you my Showtime family and of course the madlang people,”masayang pagtatapos ni Anne.

-ADOR V. SALUTA