ANG singer-comedienne na si Ethel Booba ang nagwagi bilang first Tawag Ng Tanghalan Celebrity Grand Champion ng It’s Showtime nitong Sabado, November 9.

Ethel

Nahirang bilang top 3 celebrity finalists sina Ethel at dalawa pang kapuwa TNT contenders na sina Jason Fernandez at Roxanne Barcelo subali’t nanaig sa tect votes at sa mga hurados ang performance ni Ethel sa Never Say Goodbye, mula sa OPM legend na si Nonoy Zuniga.

Sa unang round, inawit ni Ethel ang What Kind of Fool Am I? ni Sammy Davis.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Nakakuha si Ethel ng 39.82 percent, habang pumangalawa si Jason na may 36.79 percent, at si Roxanne ay may 23.39 percent mula sa mga text votes.

Kabilang sa napanalunan ni Ethel ang P300,000 cash, tax-free, trophy gawa ni Toym Imao, customized in-ear monitors, at TNT recording contract.

Sa video na ipinost ni Ethel sa Twitter Sabado ng hapon, nagpasalamat siya sa mga huradong bumoto sa kanya na pinangungunahan nina Ogie Alcasid, Randy Santiago, Karla Estrada, Karylle, Mitoy Yonting, Zsa Zsa Padilla, Dulce, Jolina Magdangal, Nyoy Volante at punong hurado, sir Louie Ocampo.

“Hello, kabayans! Madlang pipol thank you so much,” masayang pahayag ni Ethel.

“Eto na, hawak ko na,” aniya, habang pinagmamasdan ang bitbit na trophy.

“Thank you, thank you. I love you, guys.

“Salamat sa mga votes ninyo. Thank you talaga, I love you.”

-ADOR V. SALUTA