ISA si Dimples Romana ngayon sa in-demand actress sa showbiz dahil bukod sa teleserye niyang Kadenang Ginto na humahataw sa ratings game ay kaliwa’t kanan ang movie offers niya na paisa-isa niyang tinatanggap dahil hindi niya kayang pagsabay-sabayin ang lahat pero inuna niya ang pelikula ni Vice Ganda na kasama sa 2019 Metro Manila Film Festival, The Mall, The Merrier mula sa Star Cinema at Viva Films.

DIMPLES

Kaliwa’t kanan din ang offers niya ng mga produkto, pero masyado siyang maingat sa pagtanggap dahil ang katwiran niya, “gusto ko ginagamit ko talaga ang produkto hindi dahil bayad ako.”

At pumasa kay Dimples ang Skin Magical skin care na unang testing palang niya ay nakasundo na niya kaagad na unang ini-launch bilang brand partnership sa programang Kadenang Ginto.

Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

Ngayon ay pormal nang ini-launch si Dimples bilang brand ambassadress ng Skin Magical nitong Biyernes sa Cities Events Place na nasaksihan ng distributors ng nasabing skin care.

Tinanong si Dimples kung bakit mas pinili niya ang produktong nagsisimula palang o hindi ito kilala sa merkado? Bakit hindi ang isang produkto na sikat na at mas madaling i-promote ng isang katulad niyang artista.

“Mas naiintindihan ko kasi sila, as you all know, I started from ground zero, lahat ‘yun very patiently kong ipinagdasal, hinintay, trinabaho, at siyempre (being) professionalism, pakikipag-kapwa tao. At kapag nakaka-relate ako sa isang who also reflects the same values that I have for my work and for my family, what more joy di ba to be part of that brand, para bang kapit bisig kayo.

“Hindi ka lang basta nagre-represent ng brand, kasali ka, kasama ka ng pamilyang lumalago at pagdating ng panahong malaking-malaki na ‘yung Skin Magical umabot na tayo all over the world, masasabi ko na kasama ako ni Ms Ghie Pangilinan, kasama ako sa success niya, iyon ang pinakamasarap sa pakiramdam. We always search of belongingness, ‘yun naman ang gusto natin na may magmahal sa atin, maalagaan tayo at mayroon din tayong aalagaang iba, makapagturo tayo, makapag-share tayo at iyon ang importante sa akin,” mahabang paliwanag ng aktres.

Inamin din ng aktres na noong bata pa siya ay dumanas siya ng maraming tagiyawat at sobrang insecure sa sarili kaya ipinangako na hindi ito daranasin ng mga anak kaya naman pinagagamit na niya ang panganay niyang 16 years old ng skin care.

“While growing up I don’t have good skin, during the Kay Tagal Kang Hinintay (serye), ang pimples ko, oh my God, pag tumubo sa pinaka-odd na lugar talaga, sa ilong, dito (gilid ng ilong), sa pisngi talagang maku-connect sa dots kaya nakaka-relate ako sa mga taong may pinagdadaanang ganu’n kaya tuloy natuto akong mag-ingat sa skin ko,” kuwento ni Dimples.

L a h a t n g a r t i s t a a y a n g mukha n i l a ang puhunan nila sa showbiz kaya lahat pinangangalagaan ito kaya malaking pasalamat din na nauso ang skin care na kaliwa’t kanan na ang brand.

Samantala, natanong naman ang Presidente at Chief Operating Officer ng Skin Magical na si Ms Ghie Pangilinan kung bakit si Dimples ang unang brand actress niya.

“Personality po kaagad ang nakita ko kay Dimples at kahit hindi ko siya personal na kakilala base sa mga taong nakakasama niya at kilala niya at sa (reviews) ay mabuti siyang tao at mabait. Iyon po ang nagustuhan ko kasi gusto ko magsasama kami ng matagal,” katwiran ni Ms Ghie.

OFW ang asawa ni Ms Ghie at kailangan niyang tulungan din para umunlad ang buhay nila at nagsimula silang magkakapatid sa halagang P7,000 sa pagtitinda ng skin care products na iba-iba ang brand at itong Skin Magical ang pinakamabenta kaya nila ito pinagbuti hanggang dumami na ang resellers nila at distributors.

Pagkatapos ng presscon ay hiningan ng updates si Dimples sa kasal ng kaibigan niyang si Angel Locsin bilang spokesperson.

“Nagre-ready na kami ng bachelorette at bilang rockstar ‘yung kaibigan ko, alam mo naman si Angel na ibang klaseng bride, kaming nagre-ready ng bachelorette ay hindi lang puro mga babae, may mga friends siyang lalaki na also part of it.

“Ang saya lang kasi ang cute ni ‘Gel na-witness ko ito simula palang lahat ng pinagdaanan niya alam kong maalagaan siya ni Neil (Arce) at mahal na mahal siya at iniingatan siya,” kuwento ni Dimples.

Pero prumeno na ang bibig ng aktres s a tanong kung kailan ang kasal, ang venue, at iba pa bang detalye.

Sabi ni Dimples, “sabi po nila, spokeperson ako pero wala pa po akong go signal.”

-REGGEE BONOAN