ENJOY na enjoy si Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado na tumugtog ng drums sa kanyang bagong CoLove video na Kiss On My List kasama si Kapuso Drama King Dennis Trillo na siya namang lead vocalist.

jANNYLYN AT DENNIS

Sa husay ni Jen na tumugtog ng drums, hindi aakalain na first time pala nitong gawin ‘yon para sa Jen Survives series sa kanyang growing Youtube channel.

Komento pa ng netizen na si DCG, “Nice rendition. Much admiration to the band, especially to Jennylyn for her lovely voice while playing the drums.”

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Para naman sa mga netizens, relationship goals daw na maituturing sina Jennylyn at Dennis dahil hindi lang both good-looking, talented din ang dalawa.

“How can you not love these two and their relationship? They’re both cool and look good together,” say ng netizen na si Yhe Yhe.

Samantala, puspusan na ang taping nina Jen at Dingdong Dantes para sa kanilang much-awaited teleserye na Descendants of the Sun sa GMA-7.

Kinagigiliwan at usap-usapan ngayon ang mga behind-the-scenes photos nila bilang sina Dr. Maxine at Big Boss. Abangan ang Philippine adaptation ng hit Korean drama na ‘yan sa GMA-7!

-Mercy Lejarde