NAGLILIHI ka po, Ms Aiko?’ Ito ang tanong namin sa aktres na si Aiko Melendez ng mag-post siya na naghahanap siya ng ginataang bilo-bilo at ang daming nag-like at nag-suggest kung saan makakabili.

AIKO1

Pati ang boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun ay nagsabi ring naghahanap din siya kung saan makakabili dahil naglilihi nga.

Kaya nag-direct message kami sa bida ng teleseryeng Prima Donnas sa GMA 7 kung totoong naglilihi siya.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Nag crave lang ako hi hi. Pero di ako buntis niloloko ako VG buntis ako kasi kanina pa ako hanap ng hanap,”ito ang sagot sa amin ni Aiko.

Biro namin na akala namin ay hindi na bunso si Marthena, “Pwede naman, pero after na namen sa plano namen.”

Kamakailan ay isinelebra nina Aiko at VG Jay ang kanilang ikalawang taong magkarelasyon sa ibang bansa sa loob ng labinlimang araw na nakasakay sa cruise ship.

Kahit laging may tampuhan ang dalawa ay naayos naman nila kaagad kahit abala sila pareho sa kanilang trabaho dahil ginagawan nila ng paraang magkita kahit sandali.

Tinanong namin kung ano ang regalo ng aktres sa kanyang boyfriend, “I gave him love bangle. Siya (VG Jay) gift niya sa akin watch. ‘Wag na ‘yung brand.”

Dagdag pa, “tsaka pinalagyan niya van ko ng toilet.”

Oo nga naman, mahirap maghanap ng banyo kapag nasa location ka at ito ang importante sa mga van ngayon kaya halos lahat ng artistang may ganitong uri ng sasakyan ay nagpapalagay na ng mini-comfort room.

Samantala, matagal na naming tinanong kay Aiko kung napag-uusapan na nila ni VG Jay ang kasal at um-oo naman ang aktres, ‘yun nga lang marami pa silang dapat ayusing papeles kaya habang wala pa ay trabaho muna silang dalawa.

Masaya rin si Aiko dahil ang teleserye niyang Prima Donnas ay naungusan na nito ang katapat na programang Kadenang Ginto.

-Reggee Bonoan