ANG latest post ni Sarah Lahbati, nasa Paris siya at in French nga ang caption ng kanyang picture. Sa isang naunang post ni Sarah, sabi nito, “Left for Europe to pick up my wedding dresses for a few days without my boys! I’ll be gone for only more than a week but this will feel like a year to me lol thank God for Face Time!!! I’m gonna miss you all so much.”

SARAH10

Sa March 2020 ang kasal nina Sarah at Richard Gutierrez at mas maganda nga naman kung maaga pa lang, nasa kanya na ang wedding dresses niya na dahil plural ang sinabi ni Sarah, ibig sabihin, maraming damit pati na siguro wedding gown ang kanyang kukunin sa Paris.

Maalalang nabalita sa ASAP ang pagpapakasal nina Richard at Sarah next year at nagkaroon pa ng presscon at doon formal na in-announce ang kanilang kasal. Siguradong bongga ang kasal ng dalawa, let’s wait sa announcement ng kanilang wedding sponsors at wedding entourage.

Gerald Anderson, lumusong sa baha para tumulong sa rescue

May two boys na sina Richard at Sarah na nagpapasaya sa kanilang buhay. Sina Zion at Kai na siguradong may bahagi sa kasal ng kanilang mga magulang.

-NITZ MIRALLES