SOBRANG aliw panoorin ang video post ni Paolo Contis nang tinawag niyang #Acting101 kasama si Summer, ang baby girl nila ni LJ Reyes. This early, winu-workshop na ni Paolo si Summer ng acting at ang nakakatuwa, responsive si baby Summer na wala pang one year old, pero parang marunong ng umarte.

Paolo and Baby

Pero, sabi ni Paolo, ayaw niyang mag-artista si Summer at gusto lang niya sa commercial lumabas si Summer, pero malay natin at magbago rin ang isip nila ni LJ kapag nakitang may potential sa acting ang bata.

Sayang at hindi namin natanong si Paolo sa presscon ng 24th anniversary ng Bubble Gang kung ano pa ang mga acting na ipapagawa niya sa anak na si Summer na magpapasaya pa sa followers at fans ng mag-ama.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette

Samantala, kay Paolo namin unang narinig na 10 days ang taping nila ng 24th anniversary special ng Bubble Gang entitled The ScAvengers na airing sa November 15 and 22. Lahat ng cast, may partisipasyon sa special, kaya panoorin sila.

Madugo ang taping ng two-part superhero telemovie special, kaya bukod kay Bert de Leon, kinuha ring director ng GMA-7 si Rico Gutierrez. Si Rico ang in-charge sa fight scenes at special effects dahil maraming fight scene na mapapanood.

Sabi ng GMA-7: “The ScAvengers , which is a word play on Marvel Studio’s eponymous characters, the Avengers, revolves around an outcast group of homeless people who scavenge for a living and find extraordinary scraps which fell from the

outer space. Little do they know that these garbage possess superpowers that will transform them from outcasts to their barangay’s greatest superheroes collectively called as The Scavengers.

Si Paolo ay si Plantsa Man/Mr. Tonio, isa sa pipigil kay Allan Peter Kuya Thanos, ang main kontrabida na gustong i-wipe half of the universe’s population.

Nakakatuwa ang kuwento ni Paolo na bago maging regular sa Bubble Gang, 10 to 12 years muna siyang semi-regular at kaya lang naging regular nang wala na si Ogie Alcasid. Ang talent fee raw ni Ogie ay napunta sa kanya at sa iba pang naging regular.

“Salamat kuya Ogie, ‘wag ka nang babalik,” ang biro ni Paolo. Siguradong gan’un din ang sabi ng mga nakasama ni Paolo na naging regular.

-Nitz Miralles