July 25, 2026

Home SHOWBIZ

Romnick Sarmenta, 'di nasayang boto kay Chel Diokno

Romnick Sarmenta, 'di nasayang boto kay Chel Diokno
Photo Courtesy: via MB, Chel Diokno (FB)

Proud and loud na ibinida ng aktor na si Romnick Sarmenta kung sino ang mambabatas na sinuportahan niya noong 2025 midterm elections.

Isa si Romnick sa mga artistang bumoboses sa mga isyung panlipunan.

Sa kaniyang X post nitong Biyernes, Hulyo 24, sinabi niyang wala umanong nasayang sa pagboto kay Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno.

Aniya, “Walang nasayang sa pagboto kay senator Chel Diokno. Kasama yung sa akin doon.  Wala akong binoto sa mga nag-iingay at nagmamagaling sa floor. Masaya ako para dun.”

“Cheldren are proud of their senator,” dugtong pa ni Romnick. “And yes, I know he is still a congressman, but to me he is a fitting senator.”

Tsika at Intriga

Walang kadala-dala? MTRCB, kinalampag ulit dahil kay Vice Ganda

Matatandaang bago maging kinatawan ng Akbayan sa kongreso, kumandidato bilang senador si Rep. Chel noong 2019 sa ilalim ng opposition coalition na Otso Diretso. Ngunit bigo siyang nakakuha ng pwesto.

Sa ikalawang pagkakataon, muli siyang tumakbo sa parehong posisyon noong 2022 sa ilalim ng Team Robredo–Pangilinan (TRoPa) o “Tropang Angat.” Pero hindi pa rin siya pinalad makapasok sa Magic 12 ng senatorial line-up.

Anak si Rep. Chel ng dating senador at Secretary of Justice na si Jose W. Diokno na kilala bilang "Ama ng Karapatang Pantao." 

Kaugnay na Balita: Final senatorial, party-list ranking sa 2025 midterm elections