Isiniwalat ng Philippine National Police (PNP) na malapit nang matapos ang paghahanda ng mga awtoridad para sa nalalapit na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa darating na Lunes, Hulyo 27.
Batay sa pakikipanayam ni PNP spokesperson Allen Rae Co sa media nitong Biyernes, Hulyo 24, ikakasa ang ilang adjustment depende sa magiging sitwasyon ng naturang kaganapan.
“Almost 100% na po tayo—nasa final phase,” siwalat ni Co.
Aniya, “All systems go of course, we will be doing some adjustments depending on kung mayroon pong bagong sitwasyon; but nasa final phase na po tayo.”
“Nakalatag na po ang ating security plan,” giit pa niya.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsimula na silang maging full alert nitong 5:00 ng hapon ngayong araw upang matiyak ang kapayapaan at kaligtasan sa ikakasang SONA ni PBBM.
Samantala, aabot naman sa higit 21,000 police personnel ang ide-deploy para sa kaganapang isasagawa ng Pangulo.
“In place” na rin ang security preparations ng mga awtoridad, batay sa anunsyo ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
KAUGNAY NA BALITA: Pagsusunog ng effigy, bawal sa SONA—PNP-Balita