Ipinagdiinan ng Philippine National Police (PNP) ang mahigpit na pagbabawal sa pagsusunog ng mga effigy sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa darating na Lunes, Hulyo 27.
Sa ibinahaging pahayag ni PNP spokesperson Allen Rae Co sa media nitong Biyernes, Hulyo 24, sinabi niya ring sila ay agad na kikilos kung sakaling hindi matitigil ang nasabing pagsusunog ng effigy.
“Saying na mayroong magsusunog…pero kung may magsusunog po, it is not allowed,” saad ni Co sa kaniyang pahayag.
Aniya, “As a matter of fact, not only ‘yong mga effigy—anything na magsusunog ka is not allowed.”
“Again, we will exhaust all peaceful means para po mapigilan itong mga… illegal po ito e na gawain; but kung hindi po matitigil, we will have to act more decisively,” diin pa ng PNP spokesperson.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na “in place” na ang security preparations para sa SONA ni PBBM.
MAKI-BALITA: Security preparations para sa SONA ni PBBM, 'in place' na—SILG Remulla-Balita
Inaasahan ding aabot sa higit 20,000 pulis ang ide-deploy upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan sa nasabing kaganapan.