SA isa sa latest photo nina Gretchen at Claudine Barretto kasama ang mom nilang si Mrs. Inday Barretto, kasama nila ang Healing Priest na si Fr. Fernando Suarez. Ang caption ni Claudine sa photo ay “With Father Suarez. Thank you po Father for your prayers.”
Nag-react ang followers ni Claudine sa photo, sana raw magpatulong ang Barretto siblings (lalo na ang magkakaaway) na magdasal para matigil na ang kanilang away, tigilan na ang pagpopost ng kasiraan ng bawat isa.
May nag-comment pang hindi napapagod sina Gretchen, Claudine at Marjorie na mag-aaway-away at mag-post na nakakasira sa kanila. Ang feeling ng ibang netizens, ginagamit ng tatlo ang kanilang ina para lagi silang nasa news.
Pati si Mrs. Barretto, pinayuhan ng netizens na para hindi na mag-away-away ang mga anak, dapat wala siyang pinapanigan, pumagitna siya at kausapin ang mga nag-aaway na mga anak.
Kaya lang, baka gaya na rin si Mrs. Barretto sa brother ng Barretto girls na si JJ na parang give up na magkakabati pa ang mga kapatid. Katuwiran nito, matatanda na sina Gretchen, Marjorie at Claudine.
Samantala, wala pang reaction si Claudine sa banta ni Marjorie na idedemanda siya. Ang sabi lang nito, “don’t worry I drank my meds. So should you. Mock me all you want BUT NOT PEOPLE WITH MENTAL ILLNESS. Don’t your children see a psychiatrist?”
-NITZ MIRALLES