Pinost ni Andrea Torres ang appreciation letter sa kanya ng sister niyang si Angel Torres na tinulungan niyang makatapos sa medical school at ngayon ay isa ng dermatologist.
Sa letter ng kapatid, ipinaabot ang pasasalamat kay Andrea sa ginawang tulong sa kanya at sa kanilang pamilya.
Sabi pa sa letter, “We are incredibly blessed to have you” na sinagot ni Andrea ng “The best prescription. Made my day! Thank you Dr. Sissy @angelieloise.”
Una rito, pinost din ni Andrea ang family photo nila kasama ang kapatid at may caption na “Soar @angelieloise Excited for you!!! Congratulations again and again and again Dra. Angeli Eloise E. Torres, MD, DPDS<-This will only get longer.”
Napaka-positive ng post ni Andrea at kinongratulate nga siya ng friends sa industry at pati ng kanyang followers. May bukod tangi lang na galit na galit at ipinamukha kay Andrea na retokada siya at nakakadalo lang sa mga sosyalan dahil kay Derek.
Sinabi pa ng basher na kung sa talent fee lang niya at sa pera ng dad niya, hindi nila kayang pagtapusin sa medical school ang sister ni Andrea at may binanggit na napaka-foul. Pwede siyang idemanda ng cyber bullying sa mga pinagsasabi nito, mabuti at hindi pa nababasa ni Derek ang post niya dahil makakatikim siya.
Magngingitngit pang tiyak ang basher dahil ang sabi, nag-celebrate ng first anniversary sina Derek at Andrea, kaya ang caption ni Andrea sa pinost na photo nila ng boyfriend ay “Sorry, I can’t help it. You make me so happy.”
-Nitz Miralles