SA kabila ng pagiging busy ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pag-aalaga niya sa dalawang anak nila ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na sina Zia at Ziggy, hindi pa rin nakakalimutan ni Marian ang kanyang mga advocacies. For the second year nang unang makasama ni Marian ang mga little people, muli niyang sinamahan ang mga ito sa isang celebration na ginanap sa De La Salle Araneta University.

Marian with little people

“@marianrivera It’s Dwarfism Awareness Month. Happy to share little people’s advocacy in giving awareness about dwarfism. Ate Yan will always be here to support your cause. #Bigdreamsforlittlepeople.”

Maraming nagpasalamat na netizens kay Marian sa advocacy na ito na nalaman nila ang tungkol sa mga little people.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Ilan pa sa advocacies ni Marian ay ang Smile Train, na tumutulong siya sa mga pagpapaopera ng mga bingot, at ang pagbibigay niya ng kanyang extra milk para sa mga batang hindi pinalad na magkaroon ng sapat na gatas ang kanilang mga ina.

-NORA V. CALDERON