TULOY ang charity work ni reigning Miss Universe Catriona Gray, na kamakailan ay dumayo sa Brazil bilang bahagi ng kanyang duties as Miss U, at pagtupad sa kanyang pangako sa mga bata.

CATRIONA

Nagtungo sa Latin American country ang beauty queen para sa event na “Smile Train,” isang charity partner ng Miss Universe Organization na tumutulong sa mga batang may cleft palate.

Ibinahagi naman ni Cat ang ilang larawan nang naging pagbisita niya sa Brazil, kung saan makikita siyang nakikipaglaro sa mga bata at gumagawa ng mga art work.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Smiles are best shared had so much being goofy, playing, making arts and crafts with children who have benefited from life-changing cleft surgery through@smiletrain @smiletrainbrasil Look at those smiles!!!” caption ni Catriona sa kanyang IG post.

Mayroon nang 114,000 likes ang mga pictures na ito ni Queen Cat.

-RIZAL OBANIL