After ng Q&A portion sa grand mediacon ng Your Moment , the newest reality show of ABS-CBN airing on November 9, at isa si Boy Abunda sa judges ay kinumusta namin ang naging pagkikita nila in flesh and blood ng Hollywood star na si Angelina Jolie.

Boy at Angelina

“Maganda naman…magaling naman ang aming pagtatagpo ni Ms. Angelina Jolie?” ani Boy.

Anong tawag niya sa iyo?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Boy!” palatak at tipong proud niyang sagot.

And he even added…”Nakakatuwa siya…nakakatuwa dahil we had a very short time to do the interview pero nu’ng nagkikita kami, hindi niya ako malimutan dahil dinadaan ko sa outfit.”

Well in pernes, basta sa outfit ay hindi pahuhuli at kakaiba ang taste ng nag-iisang Boy Abunda, sa true lang.

Kailan nangyari yung pagkikita n’yo ni Angelina Jolie?

“Ahhh, about two weeks ago …I flew to Japan. Natutuwa siya sa outfit ko at sabi niya ‘I love everything about you.’ And one of the most important learning I’ve got from Angelina Jolie, kasi ‘di ba ngayon, she’s into a lot of her advocacies…yung mga refugees ..she’s a UN ambassador for refugees, meron siyang mga iba’t-ibang adbokasya.

“Pero one of the things that I will never forget about Ms. Jolie, which she said…’you know, you do good for this world but don’t forget …don’t lose up your wildness in your heart.’”

Halimbawa pinakanta ka ng kantang “from moment to moment…every moment that I live…” para lang may konek sa show n’yong Your Moment kanino mo ide-dedicate ito, hirit na tanong ni yours truly.

“Sa aking ina. Oo, she’s the best moment of my life. Maiintindihan ni Bong yon (referring to his longtime partner Bong Quintana).”

K, noted. And as the saying goes….some guys have all the luck…at isa na nga rito ang nag-iisang Boy Abunda sa mundo ng telebisyon. Boom, yun na!

-MERCY LEJARDE