MAKAMIT ang ika-apat na tagumpay at unang back-to-back win ang puntrirya ng Barangay Ginebra sa tampok na laro ngayong gabi ng 2019 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Nakatakdang makasagupa ng Kings ganap na 6:45 ngayong gabi ang Rain or Shine kasunod ng unang sagupaan sa pagitan ng Alaska at Blackwater ganap na 4:30 ng hapon.

Galing 105-83 na panalo noong nakaraang Linggo kontra Magnolia, hangad ng Kings na kasalukuyang solong pumapanglima na tumabla sa Meralco na may kartadang 4-2.

Sa panig ng kanilang katunggaling Elasto Painters, hangad din nito ang unang back-to-back wins kasunod ng naitalang ikalawang panalo nitong Miyerkules sa iskor na 99-82 kontra Phoenix upang umangat sa kinalalagyang 3-way tie sa ikapitong posisyon kasalo ng Fuel Masters at Blackwater taglay ang magkakahalintulad na markang 2-5.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Must-win for us,” wika ni Rain or Shine coach Caloy Garcia.

-Marivic Awitan