SA kanilang mga patok na awiting Maybe the Night, Pagtingin, at Kathang Isip, isa na nga ang Ben & Ben sa mga pinakasikat na Pinoy band ngayon.

BEN & BEN

Ngayong Sabado (October 26), isang musical special ang handog ng Wish Ko Lang! dahil lima sa ultimate fans ng Ben & Ben ang sosorpresahin ng programa, kung saan ang finale ay isang exclusive concert ng mismong banda!

Magsisimula ang listahan ng Ben & Ben fans kay Tony na isa ring aspiring musician. Ang kanyang pagtugtog, madalas daw ay pakuwela. Sa katunayan, gumawa pa siya ng parody version ng kantang ‘Pagtingin’ na nagviral sa social media.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Ang magkasintahan namang sina Kim at Jim, maliban sa theme song nila ay isa sa Ben & Ben hits, ay dahil daw sa paboritong banda kaya nabuo ang kanilang love story.

Hindi rin pahuhuli si Mary Ann at ang kanyang unica hija. Dahil daw sa Ben & Ben, nalagpasan nila ang lungkot at pagluluksa sa pagpanaw ng kanyang mister at haligi ng tahanan.

Nakarating sa Ben & Ben ang mga kuwento nila kaya game ang banda para sorpresahin ang kanilang mga tagahanga.

Tunghayan ang espesyal na pagtatagpong ito at ang kaabang-abang na jamming nila sa Wish Ko Lang! kasama si Vicky Morales, ngayong Sabado, pagkatapos ng Tadhana.