SI Annabelle Rama ang sumagot kay Gretchen Barretto sa post ni Gretchen na “Sawsaw Pa more Ruffy! Take it take it” dahil lang sa nag-like si Ruffa Gutierrez sa photo post ni Julia. Wala namang sinabi si Ruffa kundi “Freshhhh” na hindi nagustuhan ni Gretchen.

Annabelle at Ruffa

Comment ni Annabelle: “Hahaha! Kawawa ka naman. Halos wala ka ng kakampi. Halos buong mundo, isinusumpa ka. Nananahimik kami, bakit galit ka sa comment ng anak ko, masama bang mag-comment ng positive? Bakit ka ba nagwawala, hindi naman tungkol sa ‘yo ang comment? Dapat kang magalit sa mga nag-post ng pictures n’yong dalawa ng boyfriend mo na nasa airport kayo hanggang sa airplane. Ayaw kong pahabain pa itong sagot ko sa’yo. Magbasa ka na lang ng bad comments ng netizens about you at doon ka mag-react.”

May kasunod pang post si Annabelle na “Tama huwag mo na patulan ‘yan. Don’t waste your precious time! Basta mahal ka namin ng family mo, ‘yun ang importante!”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sumagot si Ruffa sa ina ng “@annabelleramaig is this really you mother dear??? I love you too awww. THANK YOU. #family” at “Waking up today with a grateful heart. Taking a moment to breathe, pray and be thankful for the gift of family. Masaya, minsan nagkakatampuhan, maingay (lalo na si mommy) pero ang pinakaimportante nagtutulungan at nagmamahalan kami. I love you fambam!! #Blessed # FamilyLove #HappyLife.

-Nitz Miralles