MAY sagot si Claudine Barretto sa interview kay Marjorie Barretto ni Karen Davila na napanood sa TV Patrol. Sa Saksi ng GMA-7, umere ang interview ni Nelson Canlas kay Claudine. Sabi nito may dagdag-bawas si Marjorie sa nangyari sa burol ng ama nilang si Mr. Miguel Barretto.

Claudine

“Ako nagsimula ng gulo? Ahm, first of all, hinding hindi ko magagawa ‘yun sa harapan ng Presidente o kahit sino mang mas nakakatanda na nirerespeto ko,”pauna ni Claudine.

Nag-suggest daw si Pres. Duterte na magkabati na silang dalawa, na alam naman nating hindi nangyari at nagkagulo pa nga.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

“Sabi ni Marjorie, ako? ako po? Magmamano sa kanya? Sabi niya, hindi nyo ho alam kung anong ginawa niyan sa akin at sa mga anak ko. Sabi ni Gretchen, hindi ako na lang po bilang nakakatandang kapatid. Nag-give way talaga yung Ate ko. With all humility. Alam mong napakahirap gawin yun ha. Ikaw ang Ate, ikaw ang magpapaubaya,” patuloy ni Claudine.

Ayon pa kay Claudine, sinabihan niya si Marjorie na ‘wag naman sa harap ng Presidente. “Sabi ko, you’re unbelievable. Sabi ko ganun. Ganito ang boses ko ha. Hindi ako sumisigaw... Sinabi ko talaga na you’re unbelievable Marj, tapos what? I’m unbelievable? Wow! Yan nagbabait-baitan ‘yan, ganya. She was hysterical already and sa Presidente.”

“Dun sa kwento niya, maraming kulang or dagdag. Pakiramdam ko, dagdag-bawas. Yung pananakit nila sa akin, physically. Minedico-legal ako,” sabi ni Claudine.

Dagdag pa ni Claudine, dahil sa gulo nilang magkakapatid, hindi panagsi-sink in sa kanya na wala na ang tatay niya.

“Hindi pa ako okay kasi alam kong hindi okay ang daddy ko, hindi siya masaya sa mga pangyayaring ito,” pagtatapos ni Claudine.

-NITZ MIRALLES