SA isang ambush interview after the grand presscon ng Kapamilya ‘s new reality search program na Your Moment, tinanong ni Rey Pumaloy sa stage kung totoo nga bang ‘buntis ‘ ang award-winning actress na si Nadine Lustre?

Tumawa lang si Nadine at hinarap ang nagtanong, “ Ha? Buntis ako? Ba’t ‘di ko po alam na buntis ako,” sabay himas sa kanyang belly.

Nag-umpisa ang buntis issue kay Nadine nitong nakaraang buwan, when a photo of her posing at the airport with a plump belly before flying to Indonesia for an endorsement commitment made rounds online.

Nagkaroon tuloy ng espekulasyon na siya’y pregnant dahil sa medyo bilogan niyang tummy.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

“Talaga ba? Hindi naman.” buwelta pa ni Nadine sa mga pumalibot sa kanyang members of the entertainment press.

Biktima lang daw si Nadine ng fake news? Sana naman daw ay huwag maniwala sa tsismis ng ibang tao, kung ‘di lang manggagaling sa kanya ang balita? “Oo, bakit? Saan kasi nanggaling ‘yan? Parang ako naman,if hindi naman nanggaling sa akin ,sana huwag nang paniwalaan,’di ba?” pakiusap ng aktres.

Sa katunayan,bagay kay Nadine ang katawan na medyo pumayat ng konti kaya’t pinuna ng mga press ang kanyang sexier figure,dahilan ni Nadine, “Nagkasakit po ako. Ano po siya, viral po. Siyempre lahat po halos ng tao ngayon may sakit. Kakagaling lang sa rainy season. So ayun po,” sagot niya.

Back to “Your Moment” tatakbo ng 15 weeks ang nasabing programa sa Kapamilya starting November 9 at sinabi ng actress-host na she would be more than glad to take a break from showbiz for a while para sa nasabing programa.

“Ako. I guess kasi buong taon tuloy-tuloy din po ako. So I think well-deserved ko naman ‘yung magpahinga. And meron din po kasi akong mga kailangan asikasuhin outside po of showbiz,” pahayag pa ni Nadine.

-Ador V. Saluta