HINDI na pala umiiwas sina Maine Mendoza at Arjo Atayde na makunan ng picture na magkasama. Unlike sa mga naunang pagkakataon na spotted sila, pero walang makitang litrato na magkasama dahil ayaw nila. Ang nangyayari, kani-kanya sila ng pose sa fans na nagpapakuha ng litrato sa kanila.

Sa birthday party ng pamangkin ni Maine, kasama niya si Arjo at may litrato silang kasama ang pamilya ni Maine. Siguro naman pumupunta si Arjo sa bahay nina Maine sa Bulacan, but this is the first time na kasama niya ang Mendoza family sa litrato. Makikitang masaya ang lahat na nasa litrato at may photos pa sina Maine at Arjo na silang dalawa lang.

Magkasama rin sina Maine at Arjo sa birthday party ni Rams David, manager ni Maine at masaya silang nakihalubilo sa mga bisita ni Rams at may picture taking din sila sa mga bisita.

Ang hindi pa nakikita dahil wala pang picture ay kung nanood na sina Maine at Arjo ng movie nina Maine at Carlo Aquino na Isa Pa with Feelings, na showing pa rin.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

-Nitz Miralles