BUKOD sa husay sa pag-arte ng Beautiful Justice star na si Yasmien Kurdi na kamakailan ay tumanggap ng award mula sa Star Awards for Television, marami ang humanga sa aktres dahil sa busilak nitong kalooban.

Yasmien

Sa katunayan, marami ang pumuri sa recent post ni Yasmien kung saan siya ay bumili ng artwork ng isang inmate na makakatulong daw para magkaroon ito pang piyansa at tuluyang makalaya.

Share pa ng award-winning actress ay masaya at nakakaiyak daw na makapagpalaya siya ng tao at makita nito ang mga naiwan niyang anak sa labas ng kulungan.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Hindi lang ‘yan, nakakabilib din na ginawa ni Yasmien ang lahat ng ito habang sila ay nagte-taping para sa Beautiful Justice.

Saludo naman ang co-star nito na si Bea Binene na nag-comment din sa nasabing post habang maraming netizens ang nagpaabot ng papuri sa aktres.

Ang sumusunod ay ang kabuuan ng post ni Yasmien sa kanyang Facebook account nito lang nakaraang October 16, 2019 to be exact.

“ATM Habang nag tataping ako ngayon for #BeautifulJustice dito sa BJMP Tagaytay, napansin ko na ang daming art works at paintings na naka-paligid sa amin... Yun pala, kapag naka-bili ka daw ng isang art piece na gawa ng mga preso, makakalaya ang isang tao dahil may pang piyansa na siya. Ang saya at nakakaiyak yung feeling ko ngayon na alam kong makakapagpalaya ako ng tao. Makakalaya ka na Ms. Maricris Estrada, Makikita mo na yung mga anak mo sa labas ng kulungan. Alagaan mo sila. Salamat Warden Aris Villaester sa pag-accomodate samin habang nag taping ngayon ang BJ Team sa kulungan ... ang saya po talaga ng pakiramdam ko ngayon at sa pintor na si Kuya Jason ... ang ganda ng gawa niyo. #Happy #Blessed #Thankful #SayNoToDrugs”.

Well, may your tribe increase Yasmien Kurdi for being so kind hearted!

-MERCY LEJARDE