NAKAKALUNGKOT na hindi naging maayos ang pagbisita ni Gretchen Barretto sa burol ng amang si Miguel Barretto. Sina Gretchen at ang mom niyang si Mommy Inday Barretto lang ang mukhang nagkaayos dahil sina Marjorie at Gretchen, mas lumala pa ang nangyari.

Claudine at Gretchen

Kasama na rin ang mga pamangkin ni Gretchen kay Marjorie at sa brother niyang si JJ. Ayon sa report, sa harap ni President Rodrigo Duterte at Sen. Bong Go, ng PSG at ibang nakiramay, nagkaroon ng sagutan at sumbatan kina Gretchen, Marjorie at pati na siguro sa ibang kapatid ni Gretchen.

Nagkatulakan daw, may sabunutan at muntik na sampalan at sa pag-awat sa mga nag-aaway na kapatid at sa hindi pagpayag ni Marjorie na makipag-shake hands kay Gretchen. Nai-report pa ng DZMM TeleRadyo na na-confine si Claudine sa St.Luke’s BGC dahil sa mga galos at nahilo pa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May balita pang nang muling magpunta si Claudine sa burol ng amang si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park sa Taguig, ayaw siyang papasukin nina Marjorie at mga anak na sina Julia at Claudia Barretto at muling nagkasigawan dahilan para himatayin si Mrs. Inday Barretto.

Ang latest, na-cremate na ang labi ni Mr. Barretto, 3pm., kahapon, napaiksi ang burol dahil sa kaguluhan. As for Gretchen, baka hindi na ito dumating sa cremation ng ama dahil nga sa nangyari at sa Sunday, lilipad ito pa-San Francisco, California.

Si Claudine naman, nag-post ng cryptic message na “Are You Proud Of Who You Have Become? at may caption na “I hope not.”

-Nitz Miralles