ALIW ang Kapuso viewers kay Elizabeth Oropesa in pernes, ha!

Kung may Best Lola award daw ay paniguradong si La Oro na bilang si Lola Char na ang winner!

Bet na bet kasi ngayon ng mga netizens ang kwelang character ni Elizabeth Oropesa sa The Gift.

Isa si Lola Char sa mga inaabangan ng loyal viewers ng serye dahil sa mga nakakaaliw nitong eksena at linya.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa katunayan, umaga pa lamang ay trending na agad ang hashtag na #TheGiftChar sa dami ng nag-aabang sa kwento ng lola ni Sep na ginagampanan ni Alden Richards.

Hinangaan naman ng netizens ang positibong karakter ni Elizabeth na mayroon pa lang itinatagong mapait na nakaraan.

Dagdag pa ng isang netizen, “Bilib din ako sa attitude ni Lola Char na kahit may mapait na pinagdaanan ay palabiro pa rin.”

Well, subaybayan lagi ang masasaya pang biruan nina Sep at Lola Char sa The Gift gabi-gabi pagkatapos ng Beautiful Justice sa GMA Telebabad.

-MERCY LEJARDE