BONGGA at makapigil-hininga ang confrontation scene na napanood sa episode kamakailan ng Madrasta of Kapuso afternoon serye.

ARRA THEA

Sa pagkakatuklas kasi ni Sean (Juancho Trivino) sa pagnanakaw ng asawa nitong si Katharine (Thea Tolentino) ng kanyang yaman, walang pag-aatubili niyang hinabol ang manlolokong asawa na tumakas kasama ang kabit nitong si Gian (Ahron Villena).

Biro pa nga ng mga netizens na sa sobrang trapik sa ‘Pinas ay naabutan pa nina Sean at Audrey (Arra San Agustin) ang dalawa kahit na may ilang oras nang tumakas ang mga ito.

Teleserye

Karina Bautista, kinatatakutan na dahil sa 'Maguad siblings'

Say ng netizen na si Nhica Agustin, “’Yung naabutan ni Doc Sean si Katharine sa sobrang traffic. Only in ‘Pinas!”

Usap-usapan din ang intense catfight scenes sa pagitan nina Arra at Thea na may pa slow-mo at shot in the rain pa! Hinangaan din ng mga tagasubaybay ang mga eksena ng mga bida,

“Facial expressions pa lang ni Arra panalo na kaya hats off ako sa’yo. Binigay mo talaga ang best mo dito!”

Alamin kung tuluyan na nga bang makakatakas si Katharine at ano ang magiging papel ni Audrey sa buhay ni Sean ngayon na unti-unti nang gumuguho ang perpektong buhay nito. Subaybayan ang ‘Madrasta’ tuwing hapon pagkatapos ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime.

-Mercy Lejarde